ang kwento ng aking munting anghel
Nung gabi ng Nobyembre 12, 2011, schedule ng aking OB check-up. Pero ang sabi ng aking Doktor, malapit na akong maubusan ng panubigan. Pero sa huling minuto, bumaliktad ang anak ko.. Pinaglakad lakad ako ng Doctor hoping na bumalik ang ulo nya sa puerta ko. Ang kaso sadyang matigas ang ulo nitong anak ko at hind na siya bumalik pa.. lalo siyang gumalaw pataas. Inischedule na ako para ma Ceasarian kinabukasan ng umaga. Walang karapatan ang sinuman na dahil CS ako ay hindi ko na naramdaman ang sinasabi nilang "Labor Pain". Naku! Buong magdamag kong pinaghirapan ang sakit na yun. Kung pwede lang tumigil ang mundo para lang mawala na din yung sakit na nararamdaman ko. Pero I just think of the brighter side. Alam ko after nito, pag nakita ko na ang dahilan kung bakit ako nahihirapan nun, magiging worth it lahat ng sakit.
Kinabukasan. November 13, 2011. Parang ang tagal ng oras. Masaya ako kasi nakausap ko pa ang aking mahal na mapapangasawa na nagbigay sakin ng lakas ng loob. Kaya ko to! Sabi ko lagi sa sarili ko. Tsaka excited na akong makita ang aking munting supling. Dinala na ako sa Operating room. Ang sakit parin. Sobrang sakit. Gusto ko nang mang-away kasi hindi pa nila sinisimulan ang operasyon. Pero pagdating ng OB ko. Agad naman na sinimulan. This is it! May narinig na akong umiiyak. I knew it! Yun na ang aking munting princesa.. Ang aming buhay. Tsaka pa lang ako nakatulog. Kampante na kasi akong safe na ang baby ko. Nagising ako sa recovery room na nanginginig. Pero nilakasan ko parin ang loob ko para magtanong kung nasaan na ang aking anghel. At kung ilang pounds siya. Atat pa nga akong pumunta na sa kwarto ko para makita na ang aking anak.
Nung ako ay dalhin na sa aming sariling silid. Wala parin ang aking anak. Ang laking disappointment ko. Ang sabi nila, marami pa daw test ang gagawin bago ibigay sa akin. Pero dumating ang gabi ay wala parin ang anak ko. Kinabukasan ay wala parin. Umiyak na ako. Kahit alam kong bawal pa akong tumayo at maglakad. Kinaya ko. Walang nagawa ang mama ko kundi sumunod at magdala ng dextrose ko papunta ng Nursery Room. Pero nung nasa bukana na kami ng Nursery Room, bigla naman akong nahilo at di nakapagsalita. Umupo ako sa may malapit na upuan. Bumalik akong bigo sa aking kwarto. Tumawag ako sa doctor ko para magpasaklolo. Gustong gusto ko na masilayan ang anak ko. Pero ayaw parin nilang ibigay sakin. Nakipag coordinate ang aking doctor para lang mailabas at maibigay sakin ang aking baby.
Kinahapunan sa wakas. Nasilayan ko na din ang bunga ng aking paghihirap. Walang kapantay ang kasiyahang naramdaman ko nun. Para akong nanalo sa lotto na infinite ang premyo. Ang saya! Sobrang saya! lalo na nung unang gabing natulog ako na siya ang katabi. Walang pagsidlan ang aking tuwa!
Salamat kay Bro at naging maayos din lahat. Looking forward na makita at masubaybayang lumaki ang aming munting angel.. :)