- Magtext siya sa kung ano na ang nangyayari sa kanya. Syempre nag-aalala din naman ako sa kanya.. ang hirap naman na may nangyari na pala.. wala man lang akong ka alam-alam. ANG RASON: Para sa kanya kesyo madami daw xang bit-bit, nakatulog daw xa, etc..
- Magpaalam man lang bago matulog. Nakakainis naman siguro na nasa kalagitnaan kayo ng masayang pagtetext tapos biglang tinulugan ka pala! ANG RASON: Di na daw nya mapigilan.
- Sagutin ang mga tawag. San kayo nakakita ng taong ayaw sa tawag? ang weird. Panu pa kaya kung umalis na siya! Sumakay na xa? eh di wala man lang akong matatanggap na balita sa kanya.. ang hirap naman ng ganun..ANG RASON: Di daw xa sanay sa tawag.
- Magkaron ng sariling desisyon. Lahat nalang kasi yata ng desisyon samin dalawa ako nalang ang gumagawa.. ang tendency tuloy parang ako ang lalaki sa aming dalawa. ANG RASON: Ayaw nya daw na magalit ako.
- Pag naglalambing ako walang pakialam. ANG RASON: Mga wala daw wenta mga wento ko!
Madami pa yan kaso nakakapagod na mag-isip eh..
Seems walang wenta nga ang mga yan pero sana maintindihan nyang importante din yan para sa akin.. Madami na din naman akong ginawa para mag-adjust sa kanya eh. Bakit siya hanggang ngayon wala pa ding effort na ginagawa..? Panu kami magtatagal kung walang nakakaintindi samin? Titigilan ko na ba eto? Pero mahal ko pa eh.. Mahal na Mahal.. pero parang sobra na kasi... hai! ang mga away na walang wenta.. :(
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento